Home » News » Headlines » Peter Lim sinisilip na

Peter Lim sinisilip na

Kasalukuyang iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation ang negosyanteng si Peter Lim na bahagi ng drug triad kabilang ang tatlong iba pa ayon kay Pangulong Duterte.

Ayon sa Department of Justice, hinihintay na nila ang resulta ng imbestigasyon ng NBI at mga kasong isasampa nila kay Lim na taga-Cebu upang makagawa sila ng preliminary investigation.

“Kailangang mag-file ng kaso sa amin and that would be the time kapag nandiyan na sa amin ang kaso atsaka kami mag-investigate by way of preliminary investigation,” sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

“So, hindi kami maaaring ma-nguna sa pag-iimbestiga kasi meron naman kaming investigative body, ang NBI,” dagdag ni Aguirre. (Jeffrey G. Damicog)

comments