Home » Entertainment » Timing » Christian says he’s found Ms. Right

Christian says he’s found Ms. Right

NATAGPUAN na ni Christian Bautista ang kanyang “the one” at Ms. Right. ’Yan ang sabi niya sa mga nakausap na entertainment writers sa presscon ng “Encantadia.” Kat Ramnami ang pangalan ng non-showbiz girlfriend ni Christian.

Indian-Irish-American at Filipino ito at nagtatrabaho sa isang telecommunications company bilang director of music kung saan bahagi ito ng content team.

At 34, nasa marrying age na si Christian at aniya, nag-iisip na rin siyang mag-asawa na. Ikakasal this year ang isa niyang kapatid, kaya hopefully next year or the year after magpapakasal si Christian. Mag-iipon daw muna siya for his future family.

Kasama si Christian sa cast ng “Encantadia” where he plays Apitong. Aniya, happy at excited siya dahil aksiyun-aksiyunan siya rito. Naka-costume at mayhawak pa siyang espada.

Sa episode ngayong gabi, uutusan ni Hagorn (John Arcilla) si Gurna (Vaness del Moral) na paslangin ang anak nina Mine-A (Marian Rivera) at Raquim (Dingdong Dantes). Makukuha ni Apitong (Christian Bautista) at ng mga mandirigma ang isang sanggol na pangangalanan nilang Ybarro. Isusumpa ni Mine-A si Hagorn dahil sa pagtangka nitong paslangin ang kanyang anak na si Amihan.

Birthday girl

Birthday ni Barbie Forteza sa July 31 at 19 years old na siya. Gaya last year noong nag-debut siya, wala siyang bonggang celebration, ayon kay Barbie. May dinner treat lang siya sa mga kaibigan niyang Kapuso tweenstars na nakatrabaho niya sa defunct youth-oriented show ng GMA7, ang “Tweenhearts.”

Among them are Bea Binene, Jake Vargas, Joyce Ching, Louise de los Reyes, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Kiko Estrada, atbp.

Si Kiko ang first boyfriend ni Barbie. First time siyang magse-celebrate ng kanyang birthday na may boyfriend, kaya kilig-kiligan ang Kapuso tweenstar nang nakausap naming kamakailan.

Asked kung na-meet na ba niya ang daddy Gary Estrada ni Kiko, hindi pa, ani Barbie. Hindi pa rin daw siya nakakapunta sa resthouse ng mga Estrada sa San Antonio, Quezon. “Malayo raw ’yun?” nakangiting patanong na sabi ni Barbie na mukhang type niyang makarating doon.

Just curious, si Kim Rodriguez kaya na ex-girlfriend ni Kiko, nakarating na sa resthouse ng mga Estrada? That time na together pa sila, sa isang interbyu naming kay Kim ay halatang excited siyang makapunta roon.

Enjoy lang

Nag-e-enjoy si Janine Gutierrez sa pagiging independent at solong namumuhay sa nilipatan niyang condominium unit somewhere sa San Juan area malapit sa Greenhills. Hindi niya gaanong pinoproblema ang kakainin niya dahil maraming katabing fast food chain at kung hindi siya nakakapagluto, nagpapa-deliver nalang siya ng food.

Hindi pa kumpleto ang mga gamit ni Janine at inuunti-unti niya ang pagbili. Proud niyang ipinost sa kanyang Instagram account ang bagong bili niyang Smeg refrigerator. Makakabili na raw siya ng ice cream.

Nakapunta na kaya sa kanyang condo unit si Elmo Magalona? Nagso-solo na ring namumuhay ang boyfriend ni Janine sa isang condo unit. Si Elmo kaya ang naka-influence kay Janine na mag-solo na rin ng tirahan?

Madalas naman ay nasa labas si Janine at nagte-taping ng “Once Again.” Finale week na ngayon at kaabang-abang ang maiigting na kaganapan. Tutok lang sa mga mangyayari kina Aldrin (Aljur Abrenica), Des (Janine), JV (Jeric Gonzales), Celeste (Thea Tolentino), Lukas (Joko Diaz), Madel ( Jean Garcia) at iba pang karakter sa pagtatapos ng OA.

Extra challenge

Hindi naman siguro pagseselosan o kaiinsekyuran ni Carla Abellana si Lovi Poe. Ang huli ang kapartner ni Tom Rodriguez sa “Someone to Watch over Me,” upcoming primetime series ng GMA7. May Alzheimer’s disease si Tom dito at hindi niya naaalala ang asawa niyang si Lovi, kundi ang kanyang ex-girlfriend.

Extra challenge kay Tom ang kanyang role. Aniya, dati’y wala siyang idea kung ano’ng sakit ’yun. Nag-research siya, pinag-aralan niya na gano’n daw pala kabilis mag-deteriorate ang isang taong may Alzheimer.

“I started doing mind exercises. I’m an over thinker kasi and my hobby is to stimulate my brain. I love reading, studying, taking courses and doing techniques,”ani Tom.

Si Lovi naman ay pinaghahandaan ang drama scenes niya sa “Someone to Watch over Me.” Aniya, ini-imbibe na niya ang mararamdamang sakit dahil hindi siya maaalala ni Tom bilang asawa nito.

comments