Home » News » News Roundup » Lola pinaslang ng anak

Lola pinaslang ng anak

Patay ang isang 74-gulang na babae nang pagsasaksakin ng kanyang sariling anak na may sakit sa pag-iisip sa loob ng kanilang tirahan sa Malabon, Lunes ng gabi.

Dead on arrival sa San Lorenzo Ruiz Womens Hospital ang biktimang si Martina Calimbo dahil sa dami ng saksak sa katawan.

Kaagad namang nadakip ng mga rumesponding pulis ang anak ng biktima na nakilalang si Myra Dalag, 45. Na-recover sa kanya ang patalim na ginamit niya sa pag-patay sa ina, ayon kay Inspector Rosalitt Avila, hepe ng Womens Children and Protection Desk.

Tinangka pa ni Mrs. Sally dela Peña, kamag-anak ng biktima, na pigilan si Myra sa pag-atake sa ina ngunit wala rin siyang nagawa.

Nalaman mula sa mga kamag-anak ng biktima na may karamdaman sa pag-iisip ang suspek. (Ed Mahilum)

comments