Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gerald at Bea nagkaroon ng ‘short-lived’ romance

Gerald at Bea nagkaroon ng ‘short-lived’ romance

Angel LocsinAyon kay Glaiza de Castro, ‘yung Pirena role talaga ang in-audition niya sa “Encantadia,” kaya thankful siyang sa kanya ipinagkatiwala ang naturang role. Si Sunshine Dizon ang gumanap sa unang version nito 11 years ago.

Ani Glaiza, ayaw niyang magpa-pressure na ikukumpara ang acting niya kay Sunshine. “Magkaiba kami ng pag-atake sa karakter bilang Pirena. Nagta-try akong mag-create ng bagong Pirena para sa millenials,” lahad ni Glaiza sa presscon ng “Encantadia.”

Sa apat na sang’gre, pinaka-challenging ang role ni Glaiza at acting-wise ay may mga nagsasabing makakabog niya sina Gabbi Garcia, Kylie Padilla at Sanya Lopez.

“Hindi naman,” pa-humble na sabi ni Glaiza. Feeling ko, natsa-challenge kami sa isa’t-isa kaya pinagbubuti namin ang pagganap sa respective roles namin. May kanya-kanya kaming approach at nakikita ko, sobrang focused ang bawat isa sa amin sa aming karakter,” sambit ni Glaiza.

By the way, talagang inabangan ang pilot episode ng “Encantadia.” Ang ganda ng feedback at napabilib ang netizens sa special effects. Nag-trending ito nationwide at worldwide.

Sa episode ngayong gabi na pinamagatang “Ang Bagong Hagorn,” isusumpa ni Ynang Reyna Minea (Marian Rivera) ang buong Hathoria bilang ganti kay Hagorn (John Arcilla). Ngunit pagkakalooban ito ng isang bathaluman ng bagong kapangyarihang makakalaban sa mga brilyante ng Encantadia.

Hihimukin ni Cassiopea (Solenn Heussaff) ang Ynang Reyna na itago sina Raquim (Dingdong Dantes) at Amihan sa mundo ng mga tao para iligtas ang huli. Ngunit may panganib na naghihintay sa mag-ama.

Enjoy sa pagiging single

Ayon kay Bea Alonzo, nananatili silang magkaibigan ng ex-boyfriend niyang si Zanjoe Marudo. Eight months na silang break at wala tayong narinig mula sa dalawa na nagsiraan sila. Hindi nga nila isinapubliko ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Months ago, may lumabas sa social media na picture nina Bea at Zanjoe kasama ang ilang friends nila sa isang gathering. May mga nag-akalang nagkabalikan sila. Pero itinanggi ‘yun ni Bea.

Na-link siya kina John Lloyd Cruz at Paulo Avelino pero aniya’y mga kaibigan lang niya ang dalawa. Ani Bea, paminsan-minsan ay lumalabas sila ni Paulo kasama ang kanilang common friends. Hindi masasabing dating ‘yun dahil may mga kasama sila, saad ni Bea.

Si Gerald Anderson ang kapareha ni Bea sa “How To Be Yours” na may mga hopia (umaasang) magkakaroon sila ng second chance. Nagkaroon sila ng short-lived romance. Dahil sa intriga at pressure, nag-break sila. “Sa ngayon, ayoko munang magka-lovelife. Gusto kong i-enjoy ang pagiging single ko,” words to that effect na sabi ni Bea.

Ayon naman kay Gerald, hindi niya masabi kung magiging okey sila ni Bea sakaling magkabalikan sila. “Hindi ko alam kung magwo-work o baka mas okey na friends na lang kami,” something to that effect na pahayag naman ni Gerald.

Produced by Star Cinema, showing ang HTBY sa July 27 sa mga sinehan nationwide.

Less talk, less intrigue

Publicity-wise, pare-parehong nakikinabang sina Luis Manzano, Angel Locsin at Jessy Mendiola. Sa magkakahiwalay na interbyu sa kanila, hindi pwedeng hindi mabanggit ang pangalan ng isa’t-isa.

May pahayag si Angel na kung ano ‘yung sinabi ni Luis (kaugnay ng kanilang hiwalayan), ‘yun na ‘yun. Parati naman daw gano’n, (si Luis) kaya hindi na siya magsasalita. May “sundot” ang pahayag ni Angel at parang may gusto siyang sabihin, pero minabuti niyang manahimik na lang. Less talk, less intrigue.

Bilang depensa kay Jessy, iginigiit ni Manzano na hindi ito ang third party sa hiwalayan nila ni Angel.

Just curious, sa text din kaya nakipag-break si Luis kay Angel, gaya ng ginawa niya kay Jennylyn Mercado na ikinagulat nito?

Emotional si Jessy sa mga interbyu sa kanya na aniya, wala siyang kinalaman sa break-up nina Luis at Angel. Labas na siya kung anuman ang naging problema ng mga ito.Sabi pa ni Jessy, hindi siya ang tipong naninira ng isang relasyon. Okey, fine!

Pinagtawanan lang

Kasama ng mag-asawang Ian Veneracion at Pam Gallardo ang manager ng actor nang lumabas ang balitang diumano’y hiwalay na si Ian and his non-showbiz wife. Si Jessy Mendiola ang diumano’y dahilan.

Ayon sa manager ni Ian, sa halip na magalit ay natawa na lang si Ian and his wife sa lumabas na balita. “Nakakaloka!

Nakakatawa,” sabi ng manager ni Ian. “Pwede pa siguro kung kay Jodi Sta. Maria na-link si Ian dahil nagkatrabaho sila sa isang teleserye at may ginawa pa silang pelikula (“The Achy Breaky Hearts”). Walang project na magkasama sina Ian at Jessy, kaya nakakaloka talaga ‘yung lumabas na balitang naghiwalay sina Ian at Pam dahil kay Jessy,” wika ng manager ni Ian.

Clueless sila kung sino ang nagpasimuno nu’n at kung bakit gumawa ito ng gano’ng isyu. “Mahal ni Ian ang kanyang pamilya at hindi siya gagawa ng ikasisira nito,” maigting na sabi ng manager ng aktor.

comments