Home » News » News Roundup » Drug suspect binaril sa ulo

Drug suspect binaril sa ulo

Patay ang isang drug personality nang barilin sa ulo ng dalawang hindi kilalang lalaki sa loob ng kanyang barong-barong sa Manalo Street, Barangay Batis, San Juan City, bandang 2 a.m. kahapon.

Binawian agad ng buhay ang biktimang si Ronado Gunday nang barilin ng isang beses sa ulo ng mga salarin. “Yung lugar nila, kilala sa barangay na ‘puestuhan’, diyan ‘yung pot session.

Inaalam pa namin kung sino ang mga suspek,” sabi ni Police Superintendent Victor Arevalo. Ayon sa police, ang biktima ay kasama sa mga taong nasa Barangay Anti-Drug Council watchlist. (Jenny Manongdo)

comments