Home » Entertainment » Ipinaglihi kay Juan Tamad

Ipinaglihi kay Juan Tamad

HINDI nagmana sa kanyang daddy ang anak nitong artista rin. Kung anong sipag at sobrang dedication ni daddy sa kanyang trabaho, kabaliktaran nito ang kanyang anak. Kaya pala, hindi bumongga nang todo ang career nito.

Si daddy, kahit ano’ng puyat at pagod sa trabaho, walang reklamo kahit inaabot ng hatinggabi o ma-daling araw. Kung may commitment ito kinabukasan, nakukuha nitong puntahan.

Si anak, reklamador kapag napu-yat o napagod sa taping o shooting. Hindi mo magigising nang maaga kapag may commitment na kailangang puntahan. May-I-sleep na lang ito at mag-beauty rest. No wonder sleeping beauty rin ang career nito ngayon.

Waley (wala) na ito sa sirkulasyon matapos ang isang TV series na ginawa niya. Tamagochi kasi as in tamad. Hindi kaya ipinaglihi ito kay Juan Tamad?

comments