Home » Sports » Basketball » Batang Gilas talo

Batang Gilas talo

Nabigo ang Philippine national youth basketball team o kilala bilang Batang Gilas na simulan ang kampanya sa panalo sa FIBA Asia Under-18 Championship matapos itong biguin ng Chinese Taipei, 88-74, Biyernes o Sabado ng umaga sa oras sa Manila sa pagsabak nito sa Tehran, Iran.

Pinamunuan ni Jonas Tibayan ang mga Pilipino sa tinipong 15 puntos subalit wala nang iba pang Batang Gilas ang nagtala ng double digit mark. Si Rendell Lee at JV Gallego ay kapwa may siyam na puntos habang si John Bryle Bahio ay may walong puntos at walong rebounds.

Si Fran Yu at team captain Jolo Mendoza ay kapwa nagtala ng pitong puntos habang si Joshua Sinclair ay may anim na puntos at siyam na rebounds.

Matapos ang mahigpitang unang yugto, nagulantang ang Batang Gilas matapos na rumagasa ang Chinese Taipei para dominahin ang natitirang tatlong hati para iuwi ang panalo.

Umalagwa ang Taiwanese mula sa dikit na 19-18 abante upang palobohin sa 40-20 ikskor sa loob ng limang minuto sa ikalawang quarter bago iniwanan ang Batang Gilas na naghahabol sa 20 puntos sa unang hati, 49-29.

Naghabol pa ang Batang Gilas matapos na mapag-iwanan sa pinakamalaking 25 puntos sa ikaapat na yugto kung saan naibaba nito sa iskor sa 71- 83 subalit kinapos sa natitirang 3:07 minuto. (Angie Oredo)

comments