Home » News » News Roundup » Lalaki todas sa kapitbahay

Lalaki todas sa kapitbahay

Binaril at namatay ang isang lalaki sa harap ng kanyang mga kapatid ng kanilang kapitbahay sa Quezon City noong Biyernes.

Kasalukuyang inaalam ng mga pulis ang dahilan kung bakit binaril ng suspek na si Wilson Gaupo, 40, ang biktima na si Julito Vista, 26, sa loob ng kanyang bahay sa C. Salvador St., Barangay Loyola Heights.

Ayon sa Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, matutulog na ang biktima kasama ng kanyang mga kapatid nang biglang dumating ang suspek.

Bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima ng dalawang beses. Tinangka ding patayin ng suspek ang mga kapatid ng biktima pero nawalan siya ng bala.

Tumakas ang suspek samantalang dinala ang biktima sa ospital kung saan siya idineklarang patay. Naaresto ang suspek sa isang follow up operation sa isang sapa sa Xavierville Ave sa Barangay Loyola Heights. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments