Home » News » News Roundup » Babaeng miyembro ng drug gang pinatay

Babaeng miyembro ng drug gang pinatay

Patay ang isang babae nang barilin nang tatlong beses ng miyembro ng isang drug group dahil umano sa bentahan ng bawal na gamot sa Parañaque City noong Linggo ng gabi.

Inaalam pa ng Parañaque City police investigators ang tunay na pangalan ng napatay na babae na kilalang live-in partner ng isang alyas Mago na nakakulong sa Parañaque City Jail dahil sa drug case.

Nakasuot ng white t-shirt at black short pants ang biktima nang barilin ng isang alyas Bilo gamit ang .45-caliber pistol habang siya’y naglalakad sa overpass ng Ninoy Aquino Avenue, malapit sa La Huerta Elementary School, Barangay La Huerta, bandang 9 p.m.

Nalagutan ng hininga ang babae bago pa man makahingi ng tulong sa pulis ang bystanders sa lugar. Napag-alaman sa pagsisiyasat na ang biktima, ang kanyang live-in partner na si Bilo at ang suspek ay pawang mga miyembro ng isang gang na nagbebenta ng bawal na gamot sa Parañaque City.

Nalaman din ng mga pulis na may nabigong drug transaction ang biktima sa isa sa mga suki ni Bilo at ito ang nagtulak sa suspek para barilin ang babae. Patuloy pa rin iniimbestigahan ng pulisya ang insidente para makilala ang biktima at madakip ang salarin. (Martin A. Sadongdong)

comments