Home » News » News Roundup » Babae nagbigti

Babae nagbigti

Tinapos ng isang 48-gulang na babae ang matagal nang iniindang pananakit ng tiyan sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanyang tahanan sa Pasay City noong nakaraang Linggo.

Base sa report ng Pasay City police, nagpakamatay si Rowena Baello na sampung taon nang nagdurusa dahil sa kanyang sakit.

Nakabitin at patay na ang biktima sa loob ng comfort room ng kanyang tahanan sa Barangay 165, Zone 18, Malibay nang matagpuan ng kanyang live-in partner na si Luis Gonzales, 59, bandang 3:15 p.m., Linggo. (Martin A. Sadongdong)

comments