Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 4 sugatan sa pagsabog

4 sugatan sa pagsabog

Apat ang sugatan pagkatapos sumabog ang isang granada na ibinato sa sasakyan ng isang barangay official sa Davao City kahapon.

Hinala ng mga pulis na target ng insidente si Barangay Lamanan Chairman Nicanor Pepito na sakay ng multicab.

Ayon sa imbestigasyon, lumapit ang isang motorsiklo sa sasakyan ni Pepito at ibinato ang granada sa loob.

Itinapon palabas ng mga pasahero ng sasakyan ang granada at sumabog na ikinasugat ng apat katao. (Yas Ocampo)

comments