Home » Entertainment » Sexy actress: ‘I want to be a lawyer’

Sexy actress: ‘I want to be a lawyer’

STEPHANIE Sol

CHALLENGE para sa bagong sexy actress ng GMA-7 na si Stephanie Sol ang gumanap na mistress sa afternoon teleseryeng “Sinungaling Mong Puso.”

May mga sexy scene nga si Stephanie kasama si Rafael Rosell at hindi nga raw niya napigilang ma-overwhelm sa maiinit na eksena nila sa teleserye.

“Nagulat talaga po ako kasi parang hindi na ako ’yung napanood ko. Kasi sobra akong in-character at natangay ako sa eksena with Rafael.

“I really cried kasi iniisip ko ’yung family ko sa Cagayan de Oro.

“Baka pagalitan ako ng mommy ko. Baka kasi isipin nilang nag-artista lang ako para gumawa ng mga gano’ng eksena.

“Pero after ko namang iniiyak ’yon, okey na ako. Na-realize kong trabaho ito, artista tayo at kailangang maging professional. Ginusto ko ito kaya paninindigan ko,” diin pa ni Stephanie.

Nilagay nga ni Stephanie ang kanyang tiwala sa director nilang si Ricky Davao.

“I trust direk Ricky. Una ko siyang nakatrabaho sa ‘Little Nanay’ kaya alam kong magaling siya.

“Actually nagulat pa siya noong i-cast ako as the mistress. Kasi ’yung last role ko was a conservative teacher in ‘Little Nanay.’ Sabi ni direk Ricky, puwede na pala akong i-build up bilang sexy star.

“Ako naman, okey lang. Ready na ako. I’ve been working out a lot and I want to do daring roles na. ‘Sinungaling Mong Puso’ will be a start of something new in my career,” diin pa niya.

Kinoronahan bilang Miss Teen Philippines si Stephanie in 2004 at marami siyang nagawang TV commercials tulad ng Magic Flakes with John Lloyd Cruz, Lipton, San Miguel Beer, Colgate, Ponds, Avon, Smart, Jollibee, and BPI Express Credit Card

Consistent honor student siya sa International School in Cagayan de Oro kaya siya nakakuha ng scholarship sa University of Asia and the Pacific kung saan nagtapos siya sa kursong Industrial Economics.

“I really wanted to take up law. I want to be a lawyer someday.

“I was about to enter law school noong dumating ang opportunity to enter showbiz.

“Sayang kasi ang opportunity. Tsaka I can get into law school anytime.” (RUEL J. MENDOZA)

comments