Home » Entertainment » Alden Richards shares his blessings

Alden Richards shares his blessings

Alden

Maraming pinasayang members ng entertainment media ang Pambansang Bae Alden Richards dahil sa pina-organize niyang thanksgiving party noong nakaraang Martes, July 26.

Matagal na raw gustong gawin ito ni Alden pero dahil sa kanyang hectic na schedule ay parating nauurong hanggang sa inabot na ng isang taon.

Kilala ng marami si Alden bilang isang mabait at mapakumbabang tao at ang tinatamasa niyang success ngayon sa kanyang career ay pinadasal ng marami. Kaya hindi raw puwedeng hindi niya ito i-share sa mga taong naging malapit sa kanya noong nagsimula pa lang siya sa GMA-7.

Kaya naman parang naging “Christmas in July” ang naging thanksgiving party ni Alden sa press dahil nagpa-raffle ito ng maraming cash at ilang mamahaling gift items. Nabusog din ang lahat sa mga giveaways ni Alden na mga ini-endorse niyang mga produkto at siyempre, hindi nawala ang walang katapusang selfie na kasama siya.

Marami na ngang puwedeng maitawag kay Alden ngayon. Bukod Pambansang Bae, tawag na rin sa kanya ay Sought-After Product Endorser, Phenomenal Star, Kalyeserye King, Noontime Prince, Platinum Artist at ngayon ay Box-office King.

Kahit wala pang official release kung magkano ang kinita na ng pelikula nila ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub na Imagine You & Me, balitang umabot na sa P360 million ang kinita nito sa two weeks of showing nito.

Kahit na wala raw siyang pahinga, never siyang nagreklamo dahil ang dumaan na isang taon sa kanyang nagbagong career ay ite-treasure niya panghabambuhay. At lahat ng ito ay handog niya sa Panginoon.

“It has been my life already, parang ganun. Naging part na siya ng routine ko.

“Kumbaga kung masyado kong sineryoso ‘yung trabaho, mabu-burn out ako.

“So I treat it as a treat for myself. Kumbaga ‘yung nakakapag-abroad, I meet people, to make people happy, and I do it in honor of the Lord.

“I’m good. I’m good with everything’s that’s happening.

“Walang pagod. It’s worth it. I feel fulfilled. More pa, more,” ngiti pa niya.

Pareho nga sila ng kanyang ka-loveteam na si Maine na busy pero ini-enjoy ang success sa buhay. Ano pa nga ba ang mga plano nila ni Maine?

“I’m just letting life, and chance, and the Lord surprise me.

“Whatever it is, I’m ready. There are no plans,” pagtapos pa ni Alden Richards.

comments