Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Mayor sabit sa droga

Mayor sabit sa droga

GENERAL SANTOS CITY – Tiklo ang labing-anim na katao na sinasabing miyembro ng isang drug ring sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Sultan Kudarat police director Raul Supiter, nasabat ng joint operatives ng PNP-Anti-illegal Drugs Group, Criminal Investigation and Detection Group at provincial police office ang P1.3 million na halaga ng shabu sa isang raid na ginawa sa tahanan ng mag-asawang Makre at Amina Tamondo sa Barangay Kalawag, Isulan.

Bukod sa mag-asawa, arestado din si Yasser Nandang, executive assistant ni Labangan Mayor Wilson Nandang.

Pinaghahanap na umano ng pulisya si Mayor Nandang kasama pa ang isang katiwala nito dahil umano sa posibilidad na pagkakasangot ng mga ito sa Nandang drug ring na naka-base sa Labangan, Zamboanga del Sur.

Sapul nang maupo sa pwesto, tiniyak ni Pangulong Duterte ang maigting na kampanya sa droga kung saan maging ang mga local government officials ay kanilang pupuntiryahin. (Joseph Jubelag)

comments