Home » News » News Roundup » Droga sa NBP iimbestigahan

Droga sa NBP iimbestigahan

Nakatakdang bumuo ngayong linggong ito si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ng isang investigative body para siyasatin ang pagkakasangkot ng ilan sa mga nakaraan at kasalukuyang opisyales ng Department of Justice (DoJ) at Bureau of Corrections (BuCor) sa paglaganap ng bawal na gamot sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ipinahayag ito mismo ni Aguirre nang kapanayamin ng mga reporters kahapon. Sinabi ni Aguirre na titingnan ng probe body “yung talagang nangyari noong mga nakaraang administration; why did the illegal drugs proliferated in BuCor kasali sa investigation.” (Jeffrey Damicog)

comments