Home » Entertainment » Christian says girlfriend is not the jealous type

Christian says girlfriend is not the jealous type

Christian

NEVER pa raw nagkaroon ng selos moments sa pagitan ni Christian Bautista at ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Kat Ramnani.

Kahit nga raw panay beauty queens ang nakakasama lately ni Christian sa events ay never nagselos si Kat. Katulad nalang ni Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean “MJ” Lastimosa, na co-ambassador ni Christian sa Smart Bro, ang Number One mobile broadband. Tinatawag silang Smart Brokadas, kung saan kabilang din sina Michael Pangilinan at Gretchen Ho.

“Okay naman, hindi naman siya nagseselos. Naiintindihan naman niya and she knows naman na this is my work. So, there’s no reason really to get jealous,” sabi ni Christian.

Halos buong araw nagkasama sina Christian at MJ sa Smart Brokada Roadtrip events sa Cebu noong July 30. Bukod sa presscon na ginanap sa Café Breeze ng Bayfront Hotel Cebu, nagpunta rin sina Christian at MJ sa SM City Cebu at iba’t ibang schools sa probinsya para i-promote ang Smart Bro 4G Pocket WiFi pati ang iPad mini best deals nito.

Bago pa pala makasama ni Christian sa Cebu si MJ ay may isa pang beauty queen, si Miss Bohol, na nauna niyang nakasama sa Bohol leg ng Brokada Roadtrip.

Pero higit daw sa beauty queens na nakakasama niya, may iba pang mas ine-enjoy si Christian sa kanilang Brokada Roadtrip. “Ang sarap sa mga ganitong roadtrip kasi you get to travel, you get to eat, you get to sing, which every singer loves to do. So, ang sarap.”

At para kay Christian, si Kat raw ang nag-iisang “Miss Universe” ng buhay niya ngayon. Kaya hanggang paghanga na lang daw ang magagawa niya para sa ibang beauty queens.

Paano niya ide-describe ang relationship nila ni Kat? “We’re very open. And then we love food. We love to travel, as well. It’s been very good so far.”

Masasabi niya bang si Kat ang best girlfriend para sa kanya? “Yeah, I guess so, in terms of openness and communication.” (GLEN P. SIBONGA)

comments