Home » Entertainment » Regine, Donna reunite in Cebu

Regine, Donna reunite in Cebu

5donna and regineBW copy

REUNITED sa Cebu ang magkaibigang sina Regine Velasquez-Alcasid at Donna Cruz-Larrazabal.

Nagkaroon ng free concert si Regine sa SM City Cebu noong July 30 bilang bahagi ng kanyang PLDT Home The Regine Series Nationwide Tour. Nagsilbi itong culminating event sa month-long festivities tagged as “Salamat kaayo, Cebu!”

bilang pasasalamat ng PLDT Home at ng brand ambassador nitong si Regine dahil sa pagiging Number One digital and multimedia service provider ng PLDT Home sa Cebu.

Nanood ng concert si Donna kasama ang kanyang mga anak. Naka-base na sa Cebu si Donna simula nang magpa-kasal siya kay Yong Larrazabal noong 1998.

Sa isang bahagi ng concert ay tinawag ni Regine si Donna at pinaakyat sa stage. Tapos ay kinanta nila ang theme song ng 1996 movie nilang “Do Re Mi,” ang “I Can.” Pagkatapos ng concert ay nagpunta sa dressing room backstage si Donna para bumati kay Regine at sa asawa nitong si Ogie Alcasid.

Dito na kami nagkaroon ng pagkakataong makausap saglit sina Regine at Donna. Agad nga naming tinanong kung ano ang pakiramdam na reunited silang magkaibigan?

“Siyempre masaya kasi hindi naman kami laging nagkikita ni Donna. Kasi nga dito na siya sa Cebu. Kaya I’m glad na nagkaroon ng Cebu leg ang PLDT Home The Regine Series. At saka ’yung kanta namin kanina impromptu ’yun. Nagulat nga siya noong tinawag ko. Game din naman siya kaya bongga!” sabi ni Regine.

Ayon naman kay Donna, “Masayang-masaya akong makita rito sa Cebu si Regz, pati si Ogie at si Nate. And I’m happy to be singing with her again. It’s a great feeling pag nakakasama mo ulit ang isang matagal nang kaibigan.

Huli raw silang nagkasama dalawang taon na ang nakararaan nang mag-guest si Donna sa cooking show ni Regine sa GMA-7, ang “Sarap Diva.”

Samantala, bukod kay Donna, naging special guest din ni Regine sa concert ang Smart Bro ambassador na si Christian Bautista. (Glen P. Sibonga)

comments