Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » 80 pamilya nasunugan

80 pamilya nasunugan

Tinatayang 80 pamilya ang nawalan ng tahanan sa isang sunog sa Quezon City noong Biyernes. Ayon kay Quezon City Fire Marshall Senior Supt. Jesus Fernandez, ang sunog sa De Leon Compound sa Geronimo St. sa Barangay Sta. Monica ay nagsimula sa bahay ni Paulino Millete.

Apatnapung bahay ang natupok sa sunog na hinihinalang short circuit ang dahilan. Napagalamang walang kuryente sa bahay nina Millete bago nangyari ang sunog. Walang naiulat na namatay o nasaktan sa sunog na umabot sa fifth alarm. Nasa P300,000 halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments