Home » Entertainment » Jennylyn hosts new cooking show

Jennylyn hosts new cooking show

MAY bagong cooking show si Jennylyn Mercado sa GMA News TV na magsisimula na sa Aug. 7 at may titulo itong “Everyday Sarap with CDO.”

Alamin kung paano gumawa ng masarap pero affordable dishes para sa buong pamilya. Ipakikita ni Jennylyn ang paggawa ng masustansya at kakaibang dishes gamit ang ilan sa mga produkto ng CDO tulad ng Danes Cheese Spread, CDO Idol Cheesedog, CDO Sweet Preserves at CDO Ulam Burger.

Para kay Jennylyn – na very outspoken sa kanyang pagmamahal sa pagluluto – na e-enjoy niya ang pagho-host ng programang ito dahil nakapagdadala siya ng saya sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang anak na si Jazz, gamit ang mga bagong recipes na ginagawa niya sa kanilang tahanan.

Inamin ni Jen na sa pag-host niya ng cooking show ay marami siyang natutunan sa pagluluto, kung paano mag-budget at kung ano ang mga masusustansya na puwedeng alternative sa mga nakasanayan na nating isama sa mga putahe.

“Very happy ako hosting this cooking show kasi alam n’yo naming gustung-gusto ko talagang magluto.

“Sa bahay mahilig ako mag-bake at magluto. Kaya enjoy ako sa show na ito kasi madami akong natututunan. At least pag uwi ko, may bago akong alam na pwede kong gawin at lutuin for Jazz.”

Ayon pa kay Jen, nagpapasalamat siya sa tiwala at suportang binibigay sa kanya ng CDO nitong mga nagdaang taon.

“I am grateful and masaya at the same time kasi natutuwa sila sa performance ko. And nakikita nilang I give my best in everything I do,” ngiti ni Jen.

Everyday Sarap with CDO ay nasailalimngdireksyonni Noel Anonuevo.

Tuklasin ang mga pinakabagong dishes sa “Everyday Sarap with CDO” mula Lunes hanggang Biyernes, 8:20-8:30 a.m., 3-3:10 p.m. at 7-7:10 p.m.; tuwing Sabado 8:20-8:30 a.m., 3-3:10 p.m. at 4:50-5 p.m.; at tuwing Linggo 12:25-12:55 p.m., 4:50 to 5 p.m. at 5:40-5:50 p.m. sa GMA News TV.

Sundan ang latest updates ng “Everyday Sarap with CDO” sa kanilang official Facebook page na facebook.com/everydaysarapwithCDO.

comments