Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Drug suspek patay

Drug suspek patay

BACOOR, Cavite – Napatay ng mga pulis ang isang drug suspek na lumaban matapos ang isang operasyon sa Malinis Compound sa Bukid area, Barangay Mambog I.

Tatlo suspek ang na-aresto. Pinangalanan ni Superintendent Christopher F. Olazo, Bacoor police acting chief, ang napatay na suspek na si Rogelio Bantog Alganajota, alias Virgilio and Gil, 51, na nakatira sa Malinis compound.

Nabawi kay Alganajota ang isang .38 caliber na baril na may dalawang bala. Ang mga naaresto ay kinilalang sina Mark Jordan Posta Magpantay, 37, ng Barangay Palico III, Imus City, Cavite; Vincent Manaquil Castillo, 36, at Reninel Herrera Salazar, 46, na taga Sampaguita and Valleyfield Subdivisons, Barangay Mambog I. Ayon kay PO3 Michael Villanueva, nakita sa loob ng bahay ang limang sachet ng marijuana at 13 sachet ng pinaghihinalang shabu, isang digital weighing scale, dalawang lighter sa loob ng isang pouch bag. (Anthony Giron)

comments