Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Ex-convict nag-agaw ng baril, patay

Ex-convict nag-agaw ng baril, patay

Isang ex-convict na inireklamo dahil sa panghoholdap ang napatay ng isang pulis habang nakikipag-agawan nang baril sa isa pang alagad ng batas na nakahuli sa kanya sa Pasay City nitong Linggo. Kinilala ni Supt. Jenny Tecson, Southern Police District spokesperon, ang napatay na suspect na si alyas na “Taga”, isang ex-convict at miyembro ng Sigue-sigue Sputnik Gang.

Namatay ang suspek habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Kasalukuyang ginagamot naman sa Adventist Medical Center si PO1 Eugene Guanlo, miyembro ng Pasay City Police Special Reaction Unit (SRU), na tinamaan sa kanang binti ng bala mula sa kanyang baril na aksidenting pumutok habang inaagaw ng suspek.

Base sa police report, naganap ang insidente bandang 8:20 a.m. sa Pasadena St., Barangay 70 Zone 9, Pasay City, malapit sa Pasay City Police Station. Ayon kay Tecson, positibong kinilala ni Maresa Acosta, 41, isang negosyante, si Taga na siyang nagnakaw ng kanyang R31,000 cash. Nang ma-corner ng SRU team si Taga, biglang sinunggaban ng suspek ang baril ni Guanlo. Aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan si Guanlo habang nakikipagbuno kay Taga.

Sa puntong ito, napilitang paputukan ni SPO1 Randy Fortuna si Taga ng ilang beses para mailigtas ang buhay ng kanyang kasamahan. (Jean Fernando)

comments