Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Lalaking tadtad ng tattoo binaril

Lalaking tadtad ng tattoo binaril

Sinisiyasat ng pulisya kung may kinalaman sa illegal drugs ang pagkakapatay sa isang lalaki sa Quezon City umaga ng Linggo.

Ayon sa report ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), inaalaam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan sa biktimang napatay na nasa edad na 20-25, may taas na 5’5”, maputi at may mga tattoo sa katawan na “Rambo”, “Vlady”, “Jay Lopez”, “Dennis” at “Borbon”.

Base sa police report, natagpuan ng mga barangay tanod ang bangkay ng biktima sa Oceandrive Park, Sauyo Road, Barangay Sauyo, Quezon City, matapos makarinig ang mga residente ng lugar ng sunod sunod na putok ng baril bandang 12:30 a.m., Linggo. (Francis T. Wakefield)

comments