Home » Entertainment » Marian’s morning show bowing out this week

Marian’s morning show bowing out this week

MARIAN RiveraFINALE week ngayon ng “Yan ang Morning” at hanggang ngayong Biyernes na-lang ito mapapanood. Sakto sa ika-32nd birthday ni Marian Rivera ang farewell episode on Aug. 12. For sure, may birthday celebration si Marian at magandang abangan ang magaganap.

Dapat sana’y one season lang ang YAM, pero nakiusap kay Marian ang GMA management na kung pwede’y paabutin ito hanggang sa birthday niya.

After ng YAM, hindi muna gagawa ng teleserye si Marian. Magpo-focus muna siya sa pag-aalaga kay baby Zia. Ayaw niyang ma-miss ang paglaki nito, ang mga unang hakbang sa paglakad, unang salitang mabibigkas, atbp.

Paano kung masundan agad si baby Zia? Nag-post kasi si Marian na she’s looking forward soon na magkaroon ng another little one (hopefully boy) with her hubby Dingdong Dantes. Nagpapahiwatig si Marian na gusto niyang mabuntis muli. (Rowena Agilada)

comments