Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Engagement ring sa kamay ni Jen?

Engagement ring sa kamay ni Jen?

Dennis Trillo and Jennylyn Mercado

PALAISIPAN ang post ni Jennylyn Mercado sa social media ang suot niyang singsing sa kanyang kamay. Engagement ring daw ba kaya ’yun? Nag-propose na raw ba kaya si Dennis Trillo ng marriage kay Jen?

Sa isang interbyu kay Dennis ay sinabi niyang nahanap na niya ang babaeng gusto niyang pakasalan. Tugma sa mga katangian ni Jen ang pahayag ng aktor.

Natutuwa naman ang DenJen fans nina Dennis at Jen kung totoong engaged couple na sila. Wait nalang sa kumpirmasyon nina Dennis at Jen kaugnay ng suot na singsing na ipinost ng aktres sa social media.

Hindi kaya bagong biling singsing ’yun ni Jen na regalo niya sa kanyang sarili?

Tinaningan

Talagang tinandaan namin ang sinabi months ago ng isang babaeng manghuhula kay Maine Mendoza sa isang segment ng “Eat Bulaga.” Sinabihan nito si Maine na dapat ay mag-ingat mula June hanggang August this year. Diumano’y maaaksidente si Maine.

Natatandaan pa naming sinabi ni Maine sa manghuhula na babalikan niya ito kapag nalampasan niya ang tatlong buwang taning nito sa kanya. Natatandaan pa rin namin ang sinabi ni Alden Richards na nagtanong pa kay Maine kung may extra room (guest room) sa bahay nila para mabantayan niya ang dalaga.

Hindi naman ’yun nagawa ni Alden. In any case, ipag-pray nalang natin, lalo na ng AlDub fans at Solid Maine fans na malampasan ni Maine ang tatlong buwang taning sa kanya. Harinawang walang masamang mangyari sa kanya ngayong buwang ito.

By the way, this week ang alis (o nakaalis na?) nina Maine at Alden papuntang Morocco para sa photo shoot nila for a glossy magazine. New look si Maine. Bago ang hairstyle niya, nagpa-bangs siya para sa naturang photo shoot.

Birthday girl

Simula today ng birthday celebration ni Marian Rivera sa “Yan ang Morning.” Sa Friday (Aug. 12) ang kanyang birthday.

Guests today sina Jeric Gonzales, Thea Tolentino, Migo Adecer at Klea Pineda na kasama ni Marian magdyo-joy ride sa amusement park sa SM by The Bay. After this, makakatanggap si Marian ng letters from some of her close friends.

May educational tour din sila inside Explorium sa SM Mall of Asia. Makakatanggap muli ng dalawang letters si Marian.

Ise-share rin niya ang special memories niya while growing up sa Cavite.

Papatayin

Mamaya sa “Encantadia,” pupuntahan ni Amihan (Kylie Padilla) si Ybarro (Ruru Madrid) para pakiusapan na lumayo na ito para di na makagulo at masaktan si Alena (Gabbi Garcia). Magkikita sina Alena at Ybarro, sasabihing hindi na niya mahal si Alena.

Dadalhin ni Pirena (Glaiza de Castro) sa kagubatan ang tunay na Lira para patayin. Subalit hindi siya magtatagumpay.

Dadalhin niya ito sa mundo ng mga tao. Matatagpuan ito ng mag-asawang Dado (Leandro Baldemor) at Amanda (Angelu de Leon).

comments