Home » Entertainment » Inah’s change in screen name not an issue with dad John Estrada

Inah’s change in screen name not an issue with dad John Estrada

Inah De Belen

HINDI isyu kay John Estrada kung Inah de Belen na ang ginagamit na screen name ng anak nila ni Janice de Belen.

Pumirma kamakailan si Inah ng kontrata sa GMA Network.

“Walang kaso sa akin. Basta sa ikabubuti ng anak ko,” ani John sa interbyu sa kanya ng “Wow! It’s Showbiz.”

Aniya pa, nagpaalam sa kanya ang anak niya tungkol du’n.

Ipinaliwanag din sa kanya ng management ng GMA kung bakit napagdesisyunang Inah de Belen na ang screen name ng kanyang anak at hindi na Inah Estrada. Marami na raw Estrada sa showbiz at dalawa lang ang De Belen (Janice at Gelli) sa showbiz. Gusto raw ng GMA ng new at fresh start sa career ni Inah ngayong Kapuso na ito.

Ayon pa kay John, nangako ang GMA na aalagaang mabuti ang kanyang anak. Ang payo lang niya kay Inah, do her best at huwag mang-aapak ng ibang tao. So, there!

comments