Home » News » News Roundup » Lalaking nasa drug watch list pinaslang

Lalaking nasa drug watch list pinaslang

Patay ang isang 47-taong gulang na lalaki nang pagbabarilin ng isang armadong lalaking naka-kotse habang bumibili ng tinapay ang biktima sa isang bakery sa Barangay Maybunga, Pasig City, kahapon ng mada-ling araw.

Ayon sa police report, hinihintay ng biktimang si Edwin Pinga, 47, ang inorder niyang pan de sal sa Egglots bakery nang biglang huminto sa tapat ang isang kotse na walang plaka.

Bumaba ang armadong lalaki mula sa sasakyan at pinaputukan ng ilang beses si Pinga. Namatay noon din ang biktima.

Napag-alaman sa imbestigasyon na isa si Pinga sa mga taong kasama sa drug watch list ng barangay. Humingi ang Pasig police sa barangay officials ng kopya ng CCTV footage sa lugar ng pinangyarihan para matunton ang pumatay kay Pinga. (Jenny F. Manongdo)

comments