Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Trigger-happy na pulis hinuli

Trigger-happy na pulis hinuli

BACOOR, Cavite – Isang pulis Parañaque ang inaresto noong Miyerkules matapos mareklamo sa pagpapaputok ng baril sa Phase III Central, Lanete Street, Camella Springville, Barangay Molino III here.

Pinangalanan ni PO3 Michael V. Legaspi Jr. ang suspek na si PO1 Rogelio Junio Macaraeg, 39, na nakatira sa Block 22, Lot 5, Sampaguita Citi Homes Subdivision, Barangay Molino IV, Bacoor.

Ayon kay Legaspi, lasing daw si Macaraeg nung nagpaputok ng baril. Dalawang shell ng .45 caliber pistol ang na-recover ng mga pulis sa pinangyarihan.

Dinala si Macaraeg sa kustodiya ng Bacoor police. Dadalhin siya sa Police Crime Laboratory Office sa Imus para sa paraffin test. (Anthony Giron)

comments