Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 3 CAFGU sugatan sa atake

3 CAFGU sugatan sa atake

SAN JUAN, Batangas – Sugatan ang tatlong auxiliary members ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos atakihin ang kanilang patrol base detachment sa Laiya-Aplaya sa naturang bayan.

Kinilala ng pulisya ang mga sugatan na sina Honorio S. Rosales, 48 anyos at resident ng Barangay Laiya-Ibabao; Rodel D. Contreras, 47 anyos at Sherlack V. Contreras, 41 anyos at parehong residente ng Barangay Bataan.

Umaga ng Huwebes nang magkaroon ng halos limang minutong palitan ng putok ang mga CAFGU at NPA rebels na nagdulot ng pagkakasugat ng tatlo.

Dinala ang mga biktima sa San Fernando Air Base Gen Hospital sa Lipa City habang patuloy na tinutugis ang mga salarin. (Danny J. Estacio)

comments