Home » Entertainment » Chynna says she suffered postpartum blues

Chynna says she suffered postpartum blues

CHYNNA Ortaleza

NAGING open ang Kapuso actress na si Chynna Ortaleza na nakaranas siya ng postpartum blues matapos isilang ang first baby nila ni Kean Cipriano na si Stellar.

Naging malaking challenge raw para kay Chynna ang pagpapa-breastfeed kay Stellar.

Gusto kasi ni Chynna na “exclusively breastfed” ang kanyang baby. Pero naging malaking pagsubok ito sa aktres.

“Sa experience ko, first, nagkaroon ako ng problem sa latching kay Stellar.

“Hindi ako marunong makinig sa wisdom ng parents ko at ng mother-in-law ko.

“One month na, ayokong i-convince ‘yung sarili ko na naglo-lose ng weight talaga si Stellar.

“Para kasi sa akin, kailangan exclusively breastfed si Stellar kasi ‘yun ang tama. ‘Yun ang dapat.

“It was my gut that eventually told me that I had to do mix feeding. I tried my best to do it, but I got sick and my supply dried up.

“Eventually, my parents and husband said, ‘Look, just because you were not able to attain ‘yung goal mo to exclusively breastfeed your daughter doesn’t mean you’re a bad mom.’

“Doon ako nag-breakdown. Parang mayroon akong vision tapos hindi ko siya narating.

“Noong sinabi nila ‘yun sa akin, naisip ko, oo nga naman, what’s wrong with giving formula milk if it really helps babies?

“I saw the progress in my daughter, she became better. Now, she’s a very happy kid.

“I’m speaking on behalf of mothers who have breastfeeding issues. They really shouldn’t feel bad about it. Iba-iba talaga ang experience,” diin pa ni Chynna.

Inamin din ni Chynna na naging masyado siyang OA or overacting sa pagiging ina niya sa anak nila ni Kean.

“Feeling ko naman lahat ng mommy OA.

“Hindi na maganda ang pagka-OA ko na umabot sa point na pati ‘yung mommy ko kini-question ko na.

“Inaako ko siya lahat, ganoon ‘yung pagka-OA ko.

“May positive side and negative side siya, pero pretty much ganoon ‘yung mga nangyari sa akin,” pagtapos pa ni Chynna Ortaleza. (Ruel J. Mendoza)

comments