Home » Entertainment » Malaking artista nasa PNP drug list?

Malaking artista nasa PNP drug list?

SINO itong sikat na artista na sinasabing nasa listahan daw ngayon ng Philippine National Police (PNP) drug list?

Nakatuon ngayon ang kampanya sa droga ng gobyerno sa celebrities bukod pa sa ibang kasabwat na mga tauhan ng PNP, justice, at local government. Kaya naman hindi ito nakaligtas sa showbiz reporters.

Sa isang umpukan kamakailan lamang, may nagsabing minamanmanan daw ng PNP ngayon si bigating artista.

Sabi ni Reporter No. 1: “Gusto ko s’yang artista kaso hindi ko gusto ang news tungkol sa addiction n’ya sa drugs.”

Sumabat naman si Reporter No. 2: “Ano’ng bago sa balitang yan? Noon pa naman talaga napapabalita na adik-adik s’ya?”

Sumagot si Reporter No. 3: “Ang alam ko young stars ang nasa listahan ngayon ni Bato.”

Wala nang masasabi pa sa kanya bilang artista dahil de-kalibre talaga s’yang di hamak. Sikat pa rin sya hanggang ngayon.

comments