Home » News » News Roundup » Hustisya para sa ‘Tatay ng Potrero’

Hustisya para sa ‘Tatay ng Potrero’

Sumisigaw ng hustisya ang mga kaaanak ng tinaguriang “Tatay ng Potrero, Malabon” na binaril at napatay habang nasa isang birthday party noong Agusto 13.

Inilibing na kahapon sa Eternal Garden Memorial Park, Caloocan City, ang labi ni Eduardo “Eddie” Nolasco, 61, dating konsehal ng Malabon.

Bago napaslang ang biktima, sinabi ng mga residente na tumulong pa si Nolasco sa mga naapektuhan ng baha sa kanilang lugar.

“Iniligtas at tinulungan ni Nolasco ang maraming tao kahit na wala na siya sa posisyon. Isa siyang tunay na lingkod ng bayan,” sabi ni Imelda Garcia, 42, isang residente sa lugar.

Daan-daang tao ang nakipaglibing nang dalhin si Nolasco sa kanyang huling hantungan, ayon sa barangay officials.

Karamihan sa mga taong nakipaglibing ay nakasuot ng t-shirts na may nakasulat na “JUSTICE FOR EDDIE NOLASCO.”
(Jel Santos)

comments