Home » News » News Roundup » Tulak ng shabu dedo sa shootout

Tulak ng shabu dedo sa shootout

Isang hinihinalang tulak ng shabu ang napatay habang nadakip naman ang kanyang live-in partner at dalawang iba pang kasapakat nang salakayin ng mga pulis ang kanyang bahay na ginagamit umano bilang isang drug den sa Binondo, Manila, noong Sabado ng hapon.

Dead on the spot si Lota del Mundo, 40, ng C.M.Recto, Binondo, dahil sa tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos makipagbarilan sa mga alagad ng batas, ayon sa police report.

Nakakulong naman ngayon ang kinakasama ni Del Mundo na si Alma Dina Basnillo, 40, at kanilang mga kasamahan na sina Mary Rose Domingo, 26, and Keith Kevin Murallos, 22, sa Meisic Police Station.

Ayon sa imbestigasyon, nakatanggap ng tawag sa telepono ang mga pulis mula sa isang concerned citizen na nagsasabing ginagawang drug den ang bahay ni Del Mundo. Bandang alas-4 ng hapon, sinalakay ng Anti-Illegal drugs unit team ang bahay ni Del Mundo kung saan nahuli nila sa akto ang apat na suspek sa na sumisinghot ng shabu.

Sa puntong ito, biglang kumuha umano ng .38-caliber revolver si Del Mundo sa mula sa kanyang kuwarto. Sinundan ni PO2 Robert Dulay si Del Mundo ngunit tinutukan siya ng baril ng huli.

Inutusan ni PO2 Dulay si Del Mundo na ibaba niya ang kanyang baril at sumuko na lang. Sa halip na sumunod, nagpaputok ng dalawang beses si Del Mundo ngunit hindi tinamaan ang pulis. Gumanti ng putok si PO2 Dulay at napatay si Del Mundo. (Analou de Vera)

comments