Home » News » News Roundup » Baseco informal settlers binigyan ng sariling bahay

Baseco informal settlers binigyan ng sariling bahay

Makakalipat na rin ang mahigit na 30 pamilya ng informal settler sa Baseco Compound, Tondo, Manila, sa kani-kanilang sariling bahay.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, naibigay na ang land certificates sa 32 pamilya ng informal settlers sa Baseco.

Sila ang unang batch ng beneficiaries ng P44.5-million housing project ng pamahalaang lungsod sa Sitio Dubai. “It is a basic human need that every public servant should strive to provide to those in need,” sabi ni Estrada.

“Matagal naming hinintay na magkaroon ng sariling bahay,” sabi ni Noraisa Dalundong, isa sa mga benepisyaryo. Isa ang Dalundong family sa mga unang titira sa mga natapos nang bahay sa Dubai housing project na sinimulang itayo noong nakaraang Pebrero. (Betheena Kae Unite)

comments