Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Drug den sinalakay

Drug den sinalakay

GENERAL SANTOS CITY – Sinalakay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang hinihinalang drug den sa Isulan, Sultan Kudarat noong Lunes.

Isang dating guro at limang kasama ang naaresto, ayon sa tagapagsalita ng PDEA na si Kath
Abad.

Sinalakay ng PDEA ang bahay ni Pryce Christian Valdez, 30, sa Barangay Kalawag. Kinumpiska ang mga droga at armas.

Ayon kay Abad, si Valdez ay isang “untouchable drug personality.”

Pinangalanan ni Abad ang ibang naaresto na sina Christian Christopher Valdez, Rogen Martinez, Darwin Agravante, Emerald Jane Lorilla, and Jenny Rose Parañaque. (Joseph Jubelag)

comments