Home » News » News Roundup » Drug suspect itinumba

Drug suspect itinumba

Isang hinihinalang tulak ng droga na kabilang sa drug watchlist ng Barangay Rosario sa Pasig City ang itinumba ng mga nakamotorsiklong armadong lalaki bago maghatinggabi noong Martes.

Kinilala ng police ang napaslang na si Eduardo “Bimbo” Francisco, residente ng Catoc compound, Barangay Rosario. Base sa police report, naglalakad lamang si Francisco sa Estella Maris Street, Barangay Maybunga, nang pababarilin siya ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Isinugod ng rescue team ng lungsod ang biktima sa Rizal Medical Center ngunit patay na siya nang idating doon.

Ayon sa police, ang pangalan ng biktima ay nasa listahan ng mga drug pusher na nag-ooperate sa Barangay Rosario at karatig na komunidad.

Hiningi ng police sa mga opisyal ng barangay na bigyan sila ng kopya ng CCTV footage ng insidente para makilala ang mga taong pumatay sa biktima. (Jenny Manongdo)

comments