Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Mga baril, isinuko ng ex-Bauan Mayor

Mga baril, isinuko ng ex-Bauan Mayor

BATANGAS – Kinumpirma ni Batangas police officer-in-charge provincial director Senior Supt. Leopoldo Cabanag Jr. na isinuko na ni dating Bauan Mayor Ryan Dolor matapos pangalanan ito ni Pangulong Duterte bilang isa sa mga pinaghihinalaang narco-politicians.

Kabilang sa mga isinuko ni Dolor ay limang cal. 5.56, apat na cal. 7.62. at isang cal.45.

Ayon kay Cabanag, nakarehistro ang lahat ng baril kay Dolor na sasailalim muna sa isang imbestigasyon bago ito sasampahan ng kaso.

“Wala pa naman siya kaso pero kung may lilitaw na witness, tingnan natin,” ani Cabanag.

Samantala naniniwala si Cabanag na mahigit 60% na ang accomplishment ng Oplan Tokhang sa kanilang probinsiya.

Sa kabila nito, aminado si Cabanag na nahihirapan pa silang sugpuin ang droga sa mga lugar na Lipa, Batangas at Tanauan. Kasabay nito ay idineklara nang drug free ang bayan ng San Luis. (Lyka Manalo)

comments