Home » News » News Roundup » 19-year-old student nagbigti

19-year-old student nagbigti

Nagpakamatay ang isang 19-taong gulang na estudyante sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanyang bahay sa Mandaluyong City , Huwebes ng gabi, ayon sa police.

Natagpuan ang bangkay ni Hernani Sale ng kanyang kapatid na babae na nakabitin mula sa kisame malapit sa pintuan ng kanilang tahanan sa Waterville Compound, Addition Hills, bandang 2:20 a.m. kahapon.

Ayon sa police, isang brown leather belt ang ginamit ng biktima sa pagbiti sa sarili. Sinabi ni Police Inspector Danilo Esguerra, Mandaluyong Police Station chief investigator, na inaalam pa nila ang dahilan ng pagkamatay ni Sale.

Nakita ng mga imbestigador ang mga mensahe sa cellphone ng biktima na nagpapahiwatig ng plano niyang pagpapakamatay.

Sinabi ng kapatid ng biktima na si Analyn na walang tao sa bahay nang wakasan ni Sale ang kanyang buhay.
(Jenny F. Manongdo)

comments