Home » Entertainment » Truefaith to launch music video

Truefaith to launch music video

27truefaith copy

NATUTUWA ang Truefaith lead vocalist na si Medwin Marfil dahil natapos na nila ang music video ng single nilang “Paano Ka Magiging Akin?” sa ilalim ng Star Music.

Nakatakda itong i-launch ngayong araw sa 19 East sa Km. 19, Sucat, Muntinlupa City. Magde-debut rin ang music video sa MYX sa parehong araw at susunod na ring mapapanood sa YouTube at MTV Pinoy.

Paglalarawan ni Medwin sa music video, “The video is a homage to films by ‎Stanley Kubrick, ‎Tim Burton and the Christopher Lee/Edward Woodward horror classic, ‘The Wicker Man’ from 1973. It is a sexy, classy and gorgeous music video that you will all love!”

Last year pa nila ini-release ang kantang “Paano Ka Magiging Akin?” Nagustuhan ng fans nila at maging ng iba pang music lovers ang ballad na ito at sinabing, “It sounds genuinely OPM.” Siyempre nag-request silang magkaroon ito ng music video. Kaya naman tinupad ng Truefaith ang kahilingan ng kanilang fans.

Ipinaliwanag din ni Medwin kung bakit medyo natagalan ang paglabas nila ng music video. Aniya, “We wanted a video that does not have the usual stuff that accompanies a romantic ballad. We wanted it to be different and a little bit thought-provoking.”

Ang music video ng “Paano Ka Magiging Akin?” ay idinirehe ni Genghis Jimenez. Tampok dito ang Viva artist at FHM Magazine favourite na si Jacq Yu, ang upcoming actor at model na si JP Koch at ang dating “Wowowee” dancers na The Wow Girls.

Isa ang Truefaith sa most popular at most accomplished bands sa history ng Philippine music. Kasama sila sa ilang mga banda na aktibo pa rin hanggang ngayon simula nang mabuo noong 1991. (GLEN P. SIBONGA)

comments