Home » Entertainment » Edu giving his nod should Luis decide to wed Jessy

Edu giving his nod should Luis decide to wed Jessy

Edu Manzano

SUWERTE talaga ang magiging daughter-in-law nina Edu Manzano at Congresswoman Vilma Santos-Recto. Parehong cool parents sila ni Luis Manzano. Never nakialam sina Edu at Cong. Vilma sa love life ng kanilang anak.

Tanggap nila kung sino ang mahal ni Luis. Noong together pa sina Luis at Angel Locsin, anak ang tawag ni Edu kay Angel. Isinama pa nila ang aktres sa bakasyon nila abroad. How sad lang na pagbalik nila ng Pilipinas ay nabalitang nag-break sina Luis at Angel.

Nagkatrabaho naman sa pelikulang “Everything about Her” sina Cong. Vi at Angel. Pero bago i-showing ang movie ay break na pala sina Luis at Angel.

Si Jessy Mendiola ang rumored girlfriend ngayon ni Luis. Naipakilala na niya ito sa kanyang mommy Vi. Inimbita pa nito si Jessy sa isang dinner with her and Luis.

Hindi pa formally naipapakilala ni Luis sa kanyang daddy Edu si Jessy. Pero ayon kay Edu, matagal na niyang kilala si Jessy through her mother (Didith Garvida). Matagal nang magkakilala sina Edu at ang mother ni Jessy.

Ayon kay Edu, hinihintay niyang formally ipakilala sa kanya ni Luis si Jessy. “I think she’s a nice girl,” sambit ni Edu. Sakaling si Jessy na ang pakakasalan ni Luis, wala siyang tutol, ayon kay Edu na isa sa stars ng “Someone to Watch over Me.” Topbilled ito by Tom Rodriguez, Lovi Poe, and Max Collins.

comments