Home » Entertainment » Fake na birthday cake binalikan

Fake na birthday cake binalikan

SINO itong popular female TV personality sa Pilipinas na pinagtawanan ng mga reporter dahil pinatulan n’ya ang cake na props lamang sa isang sikat na variety show?

Ganito ang pangyayari: Minsan nag guest si TV personality sa isang variety program. Tamang-tama naman at birthday n’ya nuong araw na iyon. Sa palabas ay makikitang kinantahan s’ya ng mga host ng programa.

Hindi alam ni female TV personality na props lamang pala ang cake at yun ay lagi nilang ginagamit kapag may guest silang may birthday. May matching candles pa ang fake na cake.

Natapos rin ang variety show. Maya-maya, after 20 minutes, tumatakbo si female TV personality na pabalik sa mga host ng programa.

Sabi ni TV personality: “I’m sorry, I forgot the cake!” Biglang namutla ang main host ng programa. Hindi alam kung saan kukuha ng tunay na cake!

Mabuti na lamang at may isang guest sa programa na nagdala ng tunay na cake.

Ito na lamang ang ibinigay nila kay female TV personality. Nag-sorry sila at ipinaliwanag nila sa kanya na props lang ’yung naunang cake na ipinakita.

Magalang pa rin silang hinarap ni female TV personality at sinabing: “I won’t mind. It’s OK!’ Sabay talikod n’ya at dala ang tunay na cake.

Sabi ng isang bitchy pageant reporter na nasa paligid lamang nuong nangyari ang katatawanan: “Na-witness ko yan! In fact, may picture pa nga kaming dalawa noong araw na yun!”

Clue: Galing s’ya sa isang respetadong angkan sa Pilipinas.

comments