Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Marian ayaw makialam sa Ai-Ai-Kris feud

Marian ayaw makialam sa Ai-Ai-Kris feud

Marian Rivera

AFTER two years, gusto ni Marian Rivera sundan si baby Zia, panganay na anak nila ng husband niyang si Dingdong Dantes. Pero aniya, okey lang kung mabubuntis uli siya kahit wala pang two years. Gusto niyang i-breastfeed si baby Zia hanggang mag-one year old ito. Nine months na ang bagets at mag-iisang taon na ito on Nov. 23.

Proud mommy si Marian. Aniya, nakakapagsalita na ang anak niya ng “mama” at iba pang words na hindi niya maintindihan. Bungisngis daw ang kanyang “little angel” na mana sa kanya. Mukhang mahilig din itong umarte at nagme-make faces kapag kinakausap nila ni Dingdong.

Sakaling gusto ni baby Zia mag-artista pag laki niya, susuportahan nilang mag-asawa. Pero kailangang makatapos muna ito ng pag-aaral.

Time out muna si Marian sa paggawa ng teleserye para matutukan niya nang husto ang paglaki ni baby Zia. Aniya, nag-e-enjoy siya sa pag-aalaga bilang isang ina.

Mapapanood pa rin naman si Marian sa TV once a week. Nasa “Sunday Pinasaya” pa rin siya.

Naka-one year na ang kanilang show at may two-part anniversary celebration ito on Sept. 4 and 11. Aniya, sobrang nag-e-enjoy siya sa SP.

“Parang one big happy family kami. Sama-sama kami sa isang dressing room. Nagba-bonding kami. Nagkukuwentuhan.

Minsan, wala sa script ’yung mga sinasabi namin on camera. Nagsasaluhan nalang kami,” ani Marian sa presscon ng “Sunday Pinasaya.”

Hindi pinag-uusapan

Sa presscon pa rin ng “Sunday Pinasaya,” natanong si Marian Rivera tungkol kina Kris Aquino at Ai-Ai de las Alas.

Ninang nila ni Dingdong Dantes sa kasal si Kris, close friend naman ni Marian si Ai-Ai na “Kambal” ang tawagan nila.

Ayon kay Marian, parehong mabait sa kanya sina Kris at Ai-Ai. Pero hindi nila napag-uusapan ni Ai-Ai ang isyu nito with Kris. Never din niyang tinanong ang kanyang ninang Kris tungkol kay Ai-Ai. Kung anuman ang isyu sa dalawa, ayaw niyang panghimasukan, ayon pa kay Marian. Kumbaga, ayaw niyang makisawsaw.

Walang problema kay Marian kung mag-guest si Kris sa “Sunday Pinasaya.” Welcome sa kanya ang ninang niya. ’Yan ang magandang abangan kung magge-guest si Kris.

Hihiwalay na

Two months pa bago matapos ang renovation ng bahay ni Aljur Abrenica somewhere sa Scout area, QC. Kapag natapos ’yun, solo nang maninirahan ang Kapuso actor. Sa ibang bahay na titira ang kanyang pamilya.

Kilalang mapagmahal at malapit sa kanyang pamilya si Aljur, kaya marami ang nagtataka kung bakit hihiwalay na siya ng tirahan. Gustung-gusto niyang parati silang magkakasama at nagba-bonding.

Ano’ng nangyari? Nagkaroon kaya sila ng family feud?

In any case, abala si Aljur sa rehearsals para sa one-night concert na gaganapin sa Music Museum on Sept. 23 billed “Oh, Boy!”. Kasama niya rito sina Rocco Nacino, Derrick Monasterio at Jake Vargas.

Ayon kay Aljur, more personal ang kanyang performance at ipapakita niya ang kanyang naughty side. Promise niya, pakikiligin nilang apat ang audience at mag-e-enjoy ang mga ito sa kanilang performances.

Special guest si Julie Anne San Jose. Produced by Dreamstar Events in cooperation with GMA Corporate Communications and Blue Water Day Spa. Tickets are available at all Ticketworld and Ticketnet outlets.

comments