Home » Entertainment » Tom thinks Lovi is ‘awesome’

Tom thinks Lovi is ‘awesome’

28Tom Rodriguez instagram copy copy

FIRST time nakatrabaho ng Kapuso leading man Tom Rodriguez si Lovi Poe sa remake ng 1980 film na “Temptation Island” noong 2011.

Ngayon ay muling makakasama ni Tom si Lovi sa bagong teleserye ng GMA-7 na may titulong “Someone to Watch over Me.”
Nagkaroon ng photo shoot sina Tom at Lovi sa Vigan, Ilocos Norte para sa naturang teleser-yeng mula sa direksyon ni Maryo J. de los Reyes.

Biglang nag-reminisce nga sina Tom at Lovi sa naging shooting nila noon ng “Temptation Island” na kinunan naman sa bayan ng Paoay, Ilocos Norte.

Dahil sa first time nilang magkasama sa isang teleserye, puring-puri ni Tom kung paano magtrabaho at makisama si Lovi sa set ng kanilang teleserye.

“It’s such a pleasure to work with Lovi Poe.

“She’s such a giving person, such a giving actress, and it’s always a pleasure to be doing a scene with her.

“And I believe, even at this early stage, having the chance to work with her, I already learned so much.

“Ang dali niyang katrabaho because she’s so good na madadala ka. She’s awesome,” pahayag pa ni Tom.

Gaganap ang aktor bilang isang lalakeng may Alzheimer’s disease.

Thankful si Tom na pinagkatiwala sa kanya ang napaka-sensitive na role na ito.

“I’m very happy and glad that GMA is tackling such a sensitive and brave material such as this.

“Not only does it serve to entertain, na mapasaya natin ang mga manonood, at antigin namin ‘yung mga puso nila, na hopefully ay isa ring drama na maka-relate sila. Pero bukod doon gugustuhin ko ring maging aware sila at ma-laman nila na may ganitong sakit na nangyayari.

“Dahil hindi lang pala sakit pangmatanda ang Alzheimer’s, kaya dapat mas lalo pa ang mga kabataan ngayon, na maging involved sila at aware dahil hindi lang ito nangyayari sa mga lolo at lola nila.

“Malamang pati sa kanila na rin mismo mangyari.

“It’s definitely a timely thing, napapanahon na mapag-usapan ‘yung ganitong material.” (RUEL J. MENDOZA)

comments