Home » News » News Roundup » Pasig River ferry service bubuhayin

Pasig River ferry service bubuhayin

Inihayag ni Manila Mayor Joseph Estrada kahapon ang kanyang buong suporta sa plano ng Philippine Ports Authority (PPA) na muling buhayin ang Pasig River ferry service upang maging madali para sa mga mangangalakal na makarating sa Manila at mabawasan din ang trapiko sa siyudad.

“That is a good project. We will support it all the way,” sabi ni Estrada matapos makipagpulong kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago.

Ipinabatid ni Santiago kay Estrada ang pagtatayo ng ferry terminals sa mga pangunahing lugar sa Manila, kasama na ang Quinta Market sa Carlos Palanca Street malapit sa Pasig River, Quiapo, na malapit nang matapos. (Betheena Kae Unite)

comments