Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » No bad blood between Andre and Barbie

No bad blood between Andre and Barbie

Barbir and Andre

OKEY naman pala sina Barbie Forteza at Andre Paras. Pinalaki lang ang isyung diumano’y in-unfollow na ni Andre si Barbie sa kanyang Twitter account.

Magkatabi pa sina Barbie at Andre noong presscon ng “Sunday Pinasaya” para sa first anniversary celebration nito. Two parts ’yun on Sept. 4 and 11.

Nagtatawanan at masayang nag-uusap sina Barbie at Andre. Walang bakas na nagkatampuhan sila or whatever.

Ang paliwanag ni Andre tungkol sa Twitter issue ay hindi lang si Barbie ang in-unfollow niya, kundi marami sila. Mas gusto niya raw ang Instagram account na puro news nalang. Good vibes pa.

Nag-assure naman si Barbie na walang bad blood between her and Andre. Okey na okey sila. Masaya silang magkatrabaho sa “Sunday Pinasaya” kung saan bagong mainstay si Andre.

May guest role naman si Andre sa “Encantadia.” Lumabas na ang karakter niya bilang Wahid, kanang kamay ni Vi’shka (Conan Stevens).

Ani Andre, na-star-struck siya kay Conan. “Sobrang humble at bait niya. Down to earth at simpleng tao,” saad ni Andre.

Matatandaang role ni Wahid ang ginampanan ni Benjie Paras (Andre’s daddy) sa original version ng “Encantadia.” Ayon kay Andre, naaalala pa niya na noong maliit pa siyang bata’y sumasama siya sa kanyang daddy Benjie sa taping nito ng “Encantadia.” Pinanonood din niya ang naturang fantaserye at hindi niya akalaing after 11 years ay siya naman ang gaganap bilang Wahid.

Kapuso na rin

Ayon kay Ai-Ai de las Alas, four years pa bago sila magpapakasal ng boyfriend niyang si Gerald Sibayan. At gusto niya’y sa ipinapagawa niyang simbahan somewhere sa Commonwealth, QC sila magpapakasal.

Ongoing pa ang construction nito, ayon kay Ai-Ai. Marami naman daw ang tumutulong at nagbibigay ng donasyon, kaya thankful siya sa mga taong may mabubuting kalooban. Aniya pa, hiningan niya ng tulong ang mga mayayamang showbiz personalities tulad nina Vic Sotto at Willie Revillame.

Eh, si Kris Aquino, hingan din kaya ng tulong ni Ai-Ai? Mas mabuti sana kung kusang loob magbibigay ng tulong si Kris, hindi ba? Sagradong Katoliko rin si Kris. Malapit siya sa Diyos tulad ni Ai-Ai.

Hindi naman siguro tatanggihan ni Ai-Ai sakaling mag-offer ng tulong si Kris. Baka ’yun ang maging daan para tuluyan silang magkabati.

Noong wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay nagkita sina Kris at Ai-Ai. Kung tama ang pagkatanda namin, nag-effort si Kris lapitan at batiin si Ai-Ai. Nagpakuha pa sila ng picture na magkasama sila. Pero hanggang doon lang pala ’yun dahil hindi naibalik ang friendship nina Kris at Ai-Ai.

Posibleng mag-krus muli ang landas nina Ai-Ai at Kris ngayong balitang nasa GMA7 na rin si Kris. Ang Tape, Inc. na ang bagong management company ni Kris. Inaabangan kung magge-guest si Kris sa “Sunday Pinasaya” na ang Tape, Inc. ang producer. Isa si Ai-Ai sa hosts ng naturang Sunday show.

comments