Home » News » News Roundup » Trike driver dedo sa ‘vigilantes’

Trike driver dedo sa ‘vigilantes’

Isa na namang tricycle driver ang itinumba ng hinihinalang vigilante group sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Mart Abla, 42, nakatira sa Barangay Bagong Barrio, Caloocan. Base sa police report, minamaneho ni Abla ang kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaking naka-bonet bandang 12:20 a.m. sa kahabaan ng Katarungan St., Bagong Barrio.

Mabilis na tumakas ang dalawang salarin sakay ng isang motorsiklo matapos ang pamamaril. Na-recover sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng bala ng .45-caliber pistol, ayon sa mga imbestigador.

Sinabi ng Caloocan Police na hindi kabilang si Abla sa listahan ng drug personalities sa kanilang lugar. Si Abla ang ikatlong tricycle driver na pinatay ng hinihinalang vigilante group sa lungsod, ayon sa police. (Jel Santos)

comments