Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » KathNiel nasa happiest stage raw ng relasyon nila

KathNiel nasa happiest stage raw ng relasyon nila

Kathryn and Daniel

PARA kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, nasa happiest stage na sila ngayon sa level ng kanilang relasyon. Ani Kathryn, nasa stage na sila na tanggap na tanggap na nila ni Daniel ang isa’t isa.

“Next to my mom, kilalang-kilala na ako ni Daniel. This is our happiest stage. Nag-e-enjoy kami everyday,” pahayag ni Kathryn sa presscon ng movie nila ni Daniel, ang “Barcelona: A Love Untold” ng Star Cinema.

Sinang-ayunan siya ni Daniel at aniya’y okey na okey sila. “Basta, nasa stage kami na masayang-masaya kami. Kung ano ’yung nakikita n’yo sa amin on screen, ’yun na ’yun. Nakatulong sa samahan namin ’yung five years na pagtatrabaho naming sa isa’t isa,” lahad ni Daniel.

Aniya pa, bilang pasasalamat, may maganda silang regalo sa KathNiel fans. May kissing scenes sila ni Kathryn sa “Barcelona: A Love Untold.” After five years, kilig much ang mga manonood ng kanilang movie.

“Bukod sa kissing scenes, marami pang kilig moments ang dapat abangan,” sabi naman ni Kathryn.

Halos “langgamin” sa sobrang ka-sweetan sina Kathryn at Daniel noong presscon. Kapag nagsasalita si Daniel, nakatitig sa kanya si Kathryn. Nakapatong naman ang isang kamay ni Daniel sa isang tuhod ni Kathryn. May pahimas-himas pa hanggang binti ng dalaga na walang kapalag-palag sa ginagawa ni Daniel sa harap ng entertainment press.

Kung hindi sa tuhod at binti, ipinapatong din ni Daniel ang isang kamay niya sa hita ni Kathryn. Nakapatong naman ang isang kamay ng dalaga sa kamay ni Daniel. Mukhang komportableng-komportable na sila sa isa’t isa.

Sabi pa ni Daniel, exclusive na sila ni Kathryn sa isa’t isa. “Bawal ang isa pa,” he said. No need na ang diretsang pag-amin nina Daniel at Kathryn. Action speaks louder than words.

Walang paistaran

Sa presscon pa rin ng “Barcelona: A Love Untold,” ibinahagi nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang experiences noong nag-shoot sila sa Barcelona, Spain. Three weeks silang nag-stay roon. Ayon kay Daniel, hindi lang sila artista roon ni Kathryn, naging bahagi rin sila ng production staff and crew.

“Walang pa-star sa amin. Humbling experience talaga. Nag-bonding kami at okey ang samahan naming lahat,” wika ni Daniel.

Aniya pa, marami silang nakilalang mga Pinoy na naninirahan doon at naikuwento sa kanila ang buhay ng mga ito sa Barcelona.

Ayon naman kay Kathryn, four hours lang ang tulog nila. Pero kahit sobrang puyat at pagod nila (physically and emotionally), worth it lahat.

“Sobrang special sa akin ang project na ito. Napamahal na sa akin ang istorya at karakter ko rito,” ani Kathryn.

First mature roles nila ito ni Daniel. Hindi na sila pabebe o pa-cute. Marami silang heavy scenes. Pero anila, nagawan ng paraan ng director nilang si Olive Lamasan kung paano pakikiligin ang mga manonood ng pelikula.

“Talagang binantayan ni Inang Olive ang bawat eksena, pati mga karakter namin. Sobrang supportive siya para ma-motivate kami. Ang dami naming natutunan sa kanya. Sobrang napiga niya ang acting namin. Pati paglakad ko, pagtingin, paghinga, binantayan ni Inang,” wika ni Kathryn.

Aniya pa, kapag mabigat na eksena ang kukunan, buong araw silang hindi nag-uusap ni Daniel. Para makapag-focus sila sa gagawin nila.

Ayon naman kay Daniel, may isang eksenang talagang nahirapan siya. Pa-English-English siya na joke niya, “Naka-400 takes yata kami. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Iniisip ko ’yung eksena, pati ’yung lines ko.”

Aniya pa, pigang-piga talaga siya sa akting. All-out talaga si direk Olive para mailabas niya (Daniel) ang emotions na kailangan sa bawat eksena.

Asa pa?

Kasama si Aiko Melendez sa cast ng “Barcelona: A Love Untold” at aniya, naaalala niya kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ’yung panahon nila ni Aga Muhlach. Nagkasama sila sa pelikulang “May Minamahal” na ani Aiko, si Aga ang first boyfriend niya.

“Naiintindihan ko ang nararamdaman nina Daniel at Kathryn. Sana huwag maudlot. Ngayong nasa ABS-CBN na uli si Aga, sana… (bitin na sabi ni Aiko). Deadma lang ang manager ni Aga na si Manay Ethel Ramos sa parunggit (o joke lang?) ni Aiko. Ayaw ni Charlene Gonzales ng ganyan! As if naman, single si Aiko, eh, may foreigner boyfie siya, di ba naman?

Any way, puring-puri ni Aiko sina Daniel at Kathryn. Kahit daw sobrang sikat ang mga ito’y, grounded pa rin. Never lumaki ang mga ulo. Sinabi nga raw niya sa anak niyang si Andrei na idolohin nito si Daniel. Ano kaya’ng reaction ni Parañaque Councilor Jomari Yllana na mas gusto ng ex-wife niyang si Aiko na idolohin ng anak nila si Daniel kesa sa kanya?

Sa isang interbyu namin noon kay Jom ay proud na sinabi niyang iniidolo siya ng kanyang anak. Gusto raw ni Andrei sundan ang kanyang mga yapak. Well…

comments