Home » Entertainment » Lovi hopes to be friends with ex-BF Rocco

Lovi hopes to be friends with ex-BF Rocco

Lovi and Rocco

Pinagdarasal ng Kapuso actress na si Lovi Poe na maging magkaibigan sila ng ex-boyfriend niyang si Rocco Nacino.

Nakarating kay Lovi ang pagsalita ni Rocco sa media tungkol sa paghihiwalay nila.

Ayon kay Rocco ay wala raw naging closure ang paghihiwalay nila ni Lovi dahil ito raw ang nakipag-break sa kanya nang walang dahilan.

Sobrang ininda raw ng aktor ang ginawang iyon ni Lovi at hindi na raw niya napigilan ang sarili na ilabas ang katotohanan sa paghihiwalay nila.

Hindi nga raw inaasahan ni Lovi na gano’ng ang magiging outcome ng pakikipaghiwalay niya kay Rocco.

“Si Rocco naman, very mahinahon, very mabait. So, everything went smoothly.

“Nagulat nga po ako na sinabi niya ‘yun, since he said that.

“I’m hoping and praying na one day he’ll understand why that had to happen.

“I ended things because I wanted to do things on my own,” diin pa ni Lovi.

Wala naman daw pagsisisi si Lovi sa nangyaring iyon sa kanila ni Rocco.

“Maraming nangyari sa buhay ko na wala akong gustong ibahin.

“Hindi ako ito ngayon kung hindi ‘yun nangyari sa buhay ko,” diin pa niya.

Pero umaasa si Lovi na maging friends sila ng kanyang ex-boyfriend.

“Yes. Of course, I’m very open naman, eh.

“My doors are always open for him.

“He knows naman, I fought for him. And I fought for what we had.

“I hope ang panghawakan ni Rocco ngayon is ‘yung pinagsamahan namin ng dalawang taon, hindi ‘yung mga naririnig lang niya kung saan saan.

“Thankful na lang ako sa pinagsamahan naming dalawa. And I will never forget him.

“He will always remain special. It doesn’t mean na porke’t break na kami, hindi ko na naiisip kapakanan niya. Syempre, naiisip ko na sana he’s doing fine na.

“It’s just that things are just different now.

“Malapit naman siya sa puso ko, naiisip ko pa rin siya,” pagtapos pa ni Lovi Poe na isa sa bida ng teleseryeng “Someone To Watch Over Me.” (RUEL J. MENDOZA)

comments