Home » News » News Roundup » New Roundup » World News » Naulila nina Odicta humingi ng tawad

Naulila nina Odicta humingi ng tawad

ILOILO CITY – Mariin man ang pagtanggi sa mga paratang sa kanilang mahal sa buhay, humingi pa din ng tawad ang kamag-anak ng mag-asawang Melvin at Meriam Odicta na parehong napatay dahil umano sa pagkakadawit nito sa illegal drugs.

Ayon kay Barangay Captain Noel “Nene” Odicta of Tanza Ezperanza, hindi nila matanggap ang paratang sa kaniyang kapatid at hipag na binaril at napatay sa isang pantalan sa Malay, Aklan.

Binaril ang mag-asawa ilang araw matapos humarap kay Interior Secretary Mike Sueno para linisin ang kanilang pangalan ma-tapos silang paratangan na mga bigtime drug lords ng malaking bahagi ng Visayas region.

“Ako po at ang aming pamilya ay humihingi ng paumanhin, kapatawaran at unawa sa lahat ng nagawang kasalanan ng mag-asawa,” ani chairman Odicta.

Kasabay nito ay humingi din ng proteksyon ang pamilya ng mga Odicta dahil hindi na umano nila alam kung sino ang kanilang kaaway sa mga panahon ngayon. (Tara Yap)

comments