Home » News » News Roundup » Lady vendor tinodas

Lady vendor tinodas

Binaril at namatay ang isang 58-year-old na vendor sa isang mataong lugar sa Quiapo, Manila noong Biyernes ng gabi. Nakilala ang biktima na si Teresita Enesio ng Grace Park, Caloocan City.

Ayon kay SPO3 Marlon San Pedro, may hawak ng kaso, nakarinig ng mga putok ng baril ang mga tao sa kanto ng Carriedo at Estero Segudo Sts.

Tumakbo palayo ang mga tao at nakita na lamang nila ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa kalye. Kaagad na ipinagbigay alam sa mga pulis ang insidente.

Narekober malapit sa bangkay ng biktima ang kanyang bag na may lamang R81,830 at cellular phone. Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng insidente.

Samantala, binaril at pinatay umano ng tatlong lalaki ang isang construction worker sa harap ng kanyang bahay sa Port Area, Manila kahapon. Nakilala ang biktima na si Mads Ambang, 38. (Analou de Vera and Jaimie Rose R. Aberia)

comments