Home » News » News Roundup » 2 tulak todas sa habulan

2 tulak todas sa habulan

OLONGAPO CITY – Dalawang pinaghihinalaang drug pushers ang patay matapos mabigo na takasan ang mga pulis lulan ng kanilang mga sasakyan Sabado ng gabi.

Ayon kay Olongapo City police chief Senior Supt. Jerry Sumbad, nagsagawa sila ng buy-bust operation sa Ibarra St. sa Barangay East Bajac Bajac sa dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Natunugan umano ng mga suspek na undercover police officers ang kanilang binebentahan, dahilan para sumibat ang ito lulan ng kanilang itim na Toyota Innova na may conduction sticker YR 4270.

Nagawa naman na harangan ng mga pulis ang sasakyan ng mga suspek sa public market kung saan nagkaroon na ng palitan ng putok. Tadtad naman ng bala ang driver ng sasakyan gayundin ang kasama nito nang subukan na tumakbo palayo sa mga awtoridad. (Franco E. Regala and Jonas Reyes)

comments